Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘bike sharing’ program nito sa Katipunan Avenue, Quezon City bilang alternatibong sasakyan laban sa lumalalang trapiko sa lugar.

Sinabi ni Atty. Crisanto Saruca, hepe ng Traffic Discipline Office ng MMDA, nagtalaga ang ahensiya ng trailer truck na kargado ng mga bisikleta sa panulukan ng Katipunan Avenue at F. De la Rosa Street malapit sa Gate 3 ng Ateneo de Manila University upang magamit nang libre ng mga pumapasok sa ADMU campus.

Aniya, kaya ng trailer truck na magsakay ng hanggang 50 bisikleta.

Dahil umaabot sa 5,000 sasakyan ang gumagamit sa Katipunan Avenue kada araw, na karamihan ay labas-pasok sa Ateneo, lalong lumalala ang trapiko sa lugar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Layunin ng bike sharing program na isulong ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong sasakyan at mabawasan ang bilang ng mga kotse na pumapasok sa Ateneo,” pahayag ni Saruca sa program sa radyo ng MMDA.

Sinabi pa ni Saruca na nagtalaga rin ang pamunuan ng Ateneo ng mga bicycle stop sa loob ng school campus na rito iiwan ang mga hiniram na bisikleta.

Inihayag din ng MMDA official na nagsimula ang kanilang pakikipagkoordinasyon sa Miriam College sa pagsusulong ng bike sharing scheme upang maiwasan ang pagbababa ng mga estudyante mula sa kani-kanilang sasakyan at hindi magbuhul-buhol ang trapiko.