ILOILO CITY – Isang barangay chairman at pitong iba pa ang nahaharap sa mga kasong krimina, dahil sa ilegal na pagputol ng puno sa isang environmentally protected area ng dating beach destination na Sicogon Island sa Carles, Iloilo.

Nagsampa na ng kinauukulang kaso ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6 laban kay Wenifred Gonzalez, chairman ng Barangay Buaya, dahil sa pagputol sa 198 puno sa loob ng 351-ektaryang kakahuyan ng Sicogon noong nakaraang buwan.

Paglabag din sa Revised Forestry Code of the Philippines at Unlawful Occupation of Destruction of Forest Lands ang kinakaharap nina Gil Barrios, Renato De La Cruz, Charlie Morales, Kim Moreno, Arjay Nava, Reyjun Ramirez at Sammy Silverio. - Tara Yap

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina