Noon lamang nakaraang linggo, tila pabulusok ang magiging pagtatapos ng San Beda College sa ginaganap na NCAA Season 90 men’s basketball tournament makaraang dumanas ng tatlong sunod na kabiguan.

Dahil sa hindi inaashang losing skid, marami ang nagduda sa kakayahan ng Red Lions na maipagpatuloy ang kampanya para sa hangad nilang ikalimang sunod na titulo.

Ngunit nabigyan sila ng pagkakataon na baguhin ang nasabing kapalaran nang sa di-inasahang pagkakataon ay tinalo ng Lyceum ang Arellano University sa huling laro nito sa eliminations na nagbigay daan sa pagtatabla ng Red Lions at ng Chiefs sa unang puwesto sa barahang 14-4, panalo-talo.

Dahil dito, nagkaroon ng playoff match para alamin kung sino sa kanila ng Arellano ang papasok na No. 1 team sa Final Four round.

Metro

Construction worker, patay nang matabunan ng lupa habang naghuhukay sa construction site

At sa pagkakataong ito, hindi sinayang ng San Beda ang pagkakataon upang patunayan at ipakita na sila ang reigning 4-peat champion matapos dominahin ang Chiefs, 97-69, para makuha ang topseeding.

Pinangunahan ang nasabing tagumpay ng kanilang ace guard na si Baser Amer na siyang nagkamit ng parangal bilang pinakahuling NCAA Press Corps ACCEL Quantum 3XVI Player of the Week.

Sa loob ng kanyang 20 minuto sa loob ng court, umiskor ang tubong Davao na si Amer ng kabuuang 21 puntos, 13 dito ay ginawa niya sa first half para simulan ang pananalasa ng Red Lions kung saan pinaabot pa nila ng 31 ang kaniulang kalamangan sa huling bahagi ng third quarter.

"Wherever Baser goes, this team will follow. He's the leader of our team," pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Inungusan ni Amer para sa nasabing na itinataguyod ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty alcohol, and Mighty Mom dishwashing sina Ford Ruaya ng Letran, Bernabe Teodoro ng Jose Rizal University at Justine Alano ng University of Perpetual Help.