ABS-CBN-Integrated-Corporate-Communications-OIC-Kane-Errol-Choa-and-Stevie-Awards-president-Michael-Gallagher-at-the-International-Business-Awards-copy

NAIUWI ng ABS-CBN ng People’s Choice Stevie Award for Favorite Company sa Media & Entertainment category matapos nitong makuha ang Gold Stevie Award sa parehong kategorya sa prestihiyosong International Business Awards sa Paris, France kamakailan.

ABS-CBN ang tanging Philippine media company na ginawaran ng pagkilala ng awards competition at siya ring nakatanggap ng pinakamaraming online votes laban sa ibang Stevie winners sa nasabing kategorya.

Pinarangalan ang ABS-CBN ng Gold Stevie Award para sa mga tagumpay nito noong nakaraang taon. Tinanggap ng Kapamilya Network ang Gold Stevie at ang People’s Choice Stevie Awards sa isang banquet sa Paris, France kamakailan.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Mahigit sa 23,000 boto ang natanggap ngayong taon ng People’s Choice Stevie Awards for Favorite Companies, na bahagi ng International Business Awards, ang nangungunang business awards program sa buong mundo. Pasok ang lahat ng organisasyong nagwagi sa Company of the Year categories ng IBAs sa botohan ng People’s Choice Stevie Awards for Favorite Companies.

Noong nakaraang Mayo, nauna nang pinangaralan ang ABS-CBN ng Grand Stevie Award sa Asia-Pacific Stevie Awards. Ito ang kaisa-isang kumpanya mula sa Pilipinas na nakakuha ng pinakamataas na parangal na iginawad sa limang bansa sa Asia-Pacific region. Nagwagi rin ang ABS-CBN ng Gold Stevie Award sa Services Company of the Year, AT pinangalanan naman bilang Woman of the Year ang ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio para sa lahat ng mga bansa sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea).