Sampung biktima ng bagyong ‘Yolanda’ ang nabiyayaan ng full scholarship sa pamamagitan ng Makati Consortium for Educational Scholars (MACES) ng University of Makati (UMAK) para bigyan ng pagkakataong makapagtapos ang mga ito sa kolehiyo.

Sa utos ni Makati City Mayor Jejomar Erwin S. Binay, tumanggap ang mga opisyal ng UMAK ng mga emergency transferee mula sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 at binigyan ang mga ito ng full scholarship na hindi kinailangang magprisinta pa ng transfer credential matapos masira ng kalamidad ang tirahan at eskuwelahan ng mga ito.

Sinabi ni Dr. Analiza Arcega, MACES executive director, na pinakuha ang mga estudyante ng sertipikasyon mula sa opisyal ng kani-kanilang paaralan o endorsement mula sa lokal na pamahalaan kung walang maipakitang transfer credentials.

Samantala, tinanggap pa rin ang mga nabigong magpakita ng dokumento sa ilalim ng probationary status habang tinatapos ang proseso ng beripikasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para sa 1st semester ng School Year 2014-2015, ang 10 benepisyaryo ng special scholarship program ay binubuo ng pito mula sa Leyte at tatlo naman sa Samar.

Kabilang sa mga iskolar mula sa Leyte sina Ralph Dominic W. Noya, 3rd year sa Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management; May Ann C. Dima-angay, 3rd year sa B.S.in Education Major in Early Childhood Education; Cristina C. Dima-angay, 4th year sa B.S. in Education Major in Filipino; Verge John E. Lantajo, 3rd year sa B.S. in Management Accounting; Elizabeth C. Quintana, 3rd year sa B.S. in Accountancy; Pearl Ruby C. Cerro, 3rd year sa B.S. in HRM; at Mark Dranreb V. Cerro, 2nd year sa B.S. in HRM.

Samantalang ang tatlong iskolar mula sa Samar ay sina Ma. Shaira Syquina Kaye Astorga, 3rd year sa B.S. in Secondary Education Major in Technology and Livelihood Education; Kurt Kevin J. Astorga, 4th year sa B.S. in Education Major in Mathematics; at Krischeel Mae A. Montallana, 3rd year sa B.S. in Psychology.