Hindi bubuwagin ng gobyerno ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at wala ring sisibaking empleyado sa kabila ng pagsasapribado ng operasyon at pagmamantine ng LRT Lines 1 at 2.

Sinabi ni Administrator Honorito Chaneco na patuloy na magsisilbing regulating body ang LRTA matapos nitong ipaubaya sa pribadong sektor ang pangangasiwa sa train system.

Ito ay bunsod ng nakaambang pag-take over ng Light Rail Manila Consortium (LRMC) sa LRT 1 system sa loob ng 12 buwan matapos lagdaan ang concession agreement sa gobyerno noong Oktubre 2.

Nakuha ng LRMC ang P64.9 bilyong proyekto upang pangasiwaan at imantine sa loob ng limang taon ang LRT Line 1 at ang extension project mula sa Baclaran, Pasay hanggang Bacoor, Cavite.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, binuksan na sa bidding ng Department of Transportation and Communication (DoTC) ang 10-taong kontrata sa operasyon at pagmamantine ng LRT Line 2, na nakakasa na para sa extension project mula Santolan, Pasig hanggang Masinag, Antipolo.

“There are two sets of employees. The front liners who are the drivers and the cashiers and tellers will be absorbed by the concessionaire while the rest of the employees will remain with the LRTA,” pahayag ni Chaneco. - Kris Bayos