SA Pulse Asia survey noong Setyembre hinggil sa kung paano ginagrado ang performance ng administrasyong Aquino sa ilang isyu, natamo ng administrasyon ang pinakamataas na score sa mga pagsisikap nitong labanan ang kriminalidad – isang 53% approval rating. Ang susunod na pinakamataas na approval rating ay napunta sa pagtatanggol ng integridad ng teritoryo ng Pilipinas na 48%, pagtataguyod ng peace and order na nasa 46%, pagpapatupad ng batas na 43%, at paglaban sa katiwalian sa pamahalaan na nasa 43%.

Ang pinakamababang approval rating sa survey ay napunta sa pagkokontrol ng inflation, 22%; reducing poverty, 26%; at pagbibigay ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno at iba pang manggagawa, 28%. Kumpara sa datos sa survey noong Setyembre sa Hunyo, napansin ng Pulse Asia ang malaking pagbagsak sa approval rating sa isyu ng sahod ng mga kawani sa gobyerno – mula 36% noong Hunyo na bumaba sa 28% noong Setyembre.

Waring maayos naman ang pagtatrabaho ng administrasyon – sa larangan peace and order, pagtatanggol ng national territory, pagpapatupad ng batas, at pagsupil ng katiwalian. Ang huling item sa katiwalian ay kinakailangang nakasisiya kay Pangulong Aquino na, mula sa simula, ay ginawa ito bilang haligi ng kanyang administrasyon.

Kung saan nagagahol ang mga pagsisikap ng gobyerno ay sa mga isyu ng ekonomiya, na pinangungunahan ng inflation. Nangangahulugan lamang ito ng pagtataas ng presyo. Nitong mga huling linggo may mga ulat na tumaas ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin. Tumaas din ang matrikula sa mga pribadong paaralan. Kalaunan, magtataas na rin ng pamasahe ang MRT at LRT. May mga umuugong na magtataas na rin ang singil sa tubig. Pagsapit ng summer sa susunod na taon, magiging madalas ang malawakang brownout at nangangamba ang mga konsumidor na magtataas ngayong buwan ang babayaran nilang kuryente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ipinagmamalaki ng mga gobyerno ang pagkakaroon ng progreso sa political at legal rights at mga isyu. Mahalaga ito sapagkat kumakatawan ito sa kanilang national pride. Ngunit para sa nakararami, lalo na yaong maralita, ang mga isyu sa ekonomiya ay mas payak.

Sa natitirang mga buwan ng administrasyon, mas mainam para sa ating mga opisyal na tutukan ang mga isyu sa ekonomiya lalo na sa mataas na presyo ng mga bilihin, pagpapababa ng kahirapan, at umento sa sahod. Sa pamamagitan ng kanilang mga tugon sa mga tanong sa survey, naipakikita ng taumbayan ang kanilang pinakamalalaking alalahanin at mga pangangailangan.