Isinusulong sa Kongreso ang pagkakaloob ng single-visa scheme para sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kabilang ang Pilipinas.
Ibig sabihin nito, gaya ng unified visa system ng Europe, isang uri na lang ng visa ang gagamitin ng lahat ng mamamayan sa ASEAN.
Sa House Resolution No. 1313 nina Reps. Rufus Rodriguez at Maximo Rodriguez, hinihiling sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pangunahan ang pagkakaroon ng single-visa scheme para sa 10 miyembro ng ASEAN.
Ang panukala ng dalawang Rodriguez ay kasunod ng desisyon ng ASEAN-member nations na magtatag ng ASEAN Community sa 2020.