Batid ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang tumitinding suliranin sa kakulangan ng enerhiya sa bansa at ang tanging magagawa ng Depatment of Energy (DoE) ay saluhin ang puna at suhestiyon ng mga stakeholder upang matukoy ang mga posibleng solusyon sa isyu.

Ito ang inihayag sa isang forum sa Quezon City ni Energy Secretary Jericho Petilla, sinabing ginagawa ng gobyerno ang lahat ng hakbangin para hindi kapusin sa kuryente ang National Power Corporation (Napocor) at mabayaran ang utang na umaabot sa P700 milyon.

Nabatid namang pinabulaanan ng Malacañang na nais lang magalaw ang bilyun-bilyong pisong Malampaya fund kaya isinusulong ang emergency powers para kay Pangulong Aquino upang maagapan ang nakaambang power shortage sa 2015.

Sinabi ni Petilla na walang katotohanan ang paratang na aabusihin ng Malacañang ang panukalang emergency power, iginiit na seryoso ang administrasyon sa paghahanap ng solusyon sa power crisis.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon naman sa ilang mambabatas, dapat munang magsagawa ng public hearing sa hirit ni Aquino sa emergency powers.

Nabatid na hindi pa pinagusapan sa mga komite sa Kongreso ang panukalang emergency powers para sa Pangulo para mabigyan ng P12-bilyon pondo ang DoE na gagamitin sa pagbili at pag-upa ng power source mula sa mga foreign supplier. - Jun Fabon