PATULOY ang dinaranas na parusa ng may kalahating milyong pasahero ng MRT 3. Mahabang pila na umaabot ng may 40 minuto sa pagbili ng tiket. At kung nakasakay na at tumatakbo ang tren, bigla naman tumitirik at nagkakaroon ng aberya. Walang magawa ang mga kaawa-awang pasahero kundi ang bumaba. Maglakad sa gilid ng riles at sumakay sa passenger bus na siksikan na parang sardinas ang mga pasahero. Kung mamalasin, mabibiktima pa ng mga tarantadong mandurukot na sinasamantala ang siksikan ng mga pasahero.

Makalipas pa ng ilang araw, linggu-linggo na ang pagtirik ng tren. Idagdag pa ang biglang pagbukas ng pinto ng bagon habang tumatakbo at hindi na maisara. Mabuti na lamang at walang nahuhulog na pasahero. Isama pa sa aberya ng MRT 3 ang mga sirang elevator at escalator sa mga station nito. Penitensiya at parang umaakyat sa kalbaryo sa pagpanhik ang mga senior citizen na mahina na ang mga tuhod. Gayundin ang mga pasaherong may rayuma. Ang mga nabanggit na aberya ay bunga ng palpak na serbisyo ng maintenance provider.

Hindi lamang sa mga nabanggit ang parusa at kalbaryo ng mga pasahero ng MRT3 sapagkat sa ikalawang pagkakataon, makalipas ang anim na araw, noong umaga nitong Oktubre 8, 2014, natigil ang operation ng MRT 3 dahil naputol naman ang riles ng tren. Ang unang pagkaputol ng riles ay noong Oktubre 2 dakong 8:00 ng umaga. Ang naputol na riles ay nasa pagitan ng Boni at Guadalupe station. Ang ikalawang pagkaputol ng riles ay nasa pagitan naman ng Ortigas at Santolan station. Sinuspinde ang mga biyahe sa North Avenue patungong Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Nagbalik ang normal na operation matapos na ma-repair ang naputol na riles makalipas ang may 45 minuto.

Sa pahayag ng isang opisyal ng MRT 3, may tatlong riles na lamang ang nalalabi na nasa depot o bodega nito. Bukod dito, napag-alaman din na ang mga riles na mahina at problema ay umaabot na sa anim na kilometro. Kung mapuputol ang nasabing mga riles, mapipilitan na magkaroon ng temporary shutdown o itigil ang operasyon g MRT 3 para sa rehabilitasyon at maintenance nito. Nagpahayag naman si DOTC Jun Abaya na sang-ayon siya na itigil ang operasyon ng MRT 3 kung malalagay sa panganib ang buhay kaligtasan ng mga pasahero.

Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>