ANG Oktubre ay iprinoklamang National Quality and Productivity Improvement Month ng Proclamation No. 305 noong Agosto 10, 1988, upang taasan ang kamalayan ng pampublikong sektor kaugnay sa pagiging produktibo at para suportahan ang programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng pagiging produktibo. Ito ay inamyendahan ng Proclamation No. 726 noong 2004 upang bigyang diin ang kahalagahan ng paglahok ng iba’t ibang sektor sa pagpapahusay ng pagiging produktibo ng pampublikong sektor.

Nangunguna sa taunang pagtalima ang Philippine Council for Productivity (PCP), sa pamumuno ng National Economic and Development Authority (PCP-NEDA), katuwang ang Development Academy of the Philippines (DAP), isang government think tank at capacity-building institution, na nagkakaloob ng episyente, epektibo, at pinahusay na kalidad ng serbisyo sa pampubliko at pribadong sektor sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, at pananaliksik.

Ang mga layunin ng taunang pagtalima ay: Taasan ang kamalayan sa kalidad at pagiging produktibo ng mga organisasyon ng gobyerno, pangangalakal sa pribadong sektor, academe, at ng publiko at magpatupad ng value-adding na mga aktibidad upang upang makamtan ang mas mataas na pagiging produktibo; at bigyang diin ang kahalagahan ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor at ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagpapabuti ng kalidad sa pagpapahusay ng pagiging produktibo.

Ang mga departamento, kawanihan at mga ahensiya ng pambansa at lokal na pamahalaan ay bumuo, nagpatupad, at nagpapanatili ng mga programa sa pagpapabuti ng kalidad at pagiging produktibo, mga proyekto, at aktibidad, tinutulungan ng mga organisasyong kasosyo sa kalidad at pagiging produktibo mula sa pribadong sektor. Ang NEDA-PCP ay pinagtutugma at sinusubaybayan ang mga programa, proyekto, at mga gawain ng parehong gobyerno at mga pribadong sektor sa pagdiriwang ng National Quality and Productivity Month.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ilang mga aktibidad ang inihilera ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, asosasyon ng industriya, akademikong institusyon, upang itanghal ang mahuhusay na modelo ng pagiging produktibo at kalidad ng paghahatid ng serbisyo sa mga pampubliko at pribadong sektor. Ginaganap Regional Productivity Congress sa mga pangunahing rehiyon bilang isang lugar para sa mga propesyonal ng kalidad at pagiging produktibo upang makipagpalitan ng mga pananaw at ibahagi ang mga karanasan kaugnay ng mga tinukoy na teknolohiya at kung paano nagambag ang mga ito sa pagpapabuti ng kalidad at pagiging produktibo.

Ang mga programa ng pamahalaan pagpapahusay ng pagiging produktibo ay pinasimulan sa pamamagitan ng inter-agency Government Productivity Improvement Council noong 1995-1998. Sa unang bahagi ng 2000s, isang Medium-Term, National Action Agenda for Productivity (MNAAP) ang ipinatupad ng PCP, isang

pampublikong-pribadong pakikipagsosyo, kasama ang NEDA bilang tagapangulo at ang DAP bilang secretariat. Isang pangunahing programa ng MNAAP ay ang Philippine Quality Award (PQA), na naging institusyon sa pamamagitan ng Republic Act 903.

Taun-taong iginagawad ang parangal sa pamamagitan ng Pangulo ng Pilipinas upang kilalanin ang mga organisasyon ng pampubliko at pribadong sektor na nagsasagawa ng epektibong pamamahala sa kalidad at nagpakita ng katangi-tanging mga pagpapabuti sa kalidad ng produkto/serbisyo, kasiyahan sa kustomer, at pangsamahang pagganap. Ang PQA ang nagtakda ng mga pamantayan ng kahusayan upang tulungan ang mga Pilipinong organisasyon na makamit ang world-class na pagganap at nagsisilbing sukatan ng mataas na kalidad ng produkto at serbisyo batay sa mga prinsipyo ng Total Quality Management.