Oktubre 13, 1917 nang halos 70,000 tao ang nakasaksi sa milagro ng sumasayaw na Araw sa Fatima sa Portugal. Natunghayan ng libulibo ang kakaibang pangyayari sa kalangitan: sumilip ang Araw mula sa makulimlim na ulap, nagbago ng kulay, sumayaw, at umikot-ikot.

Sa aparisyon, sinabi ng Our Lady na kailangang humingi ng kapatawan ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, baguhin ang kanilang pamumuhay, at magtayo ng kapilya sa lugar.

Makalipas ang 13 taon, ang nasabing pangyayari ay idineklara ng Simbahan Katoliko na milagro.

Gayunman, hindi ito pinaniwalaan ni Joe Nickell, sinabing maaaring ang nangyari ay resulta lang ng optical effects at meteorological phenomena. Maaaring ang moisture droplets sa hangin ay lumikha ng iba’t ibang kulay.

Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>

Natunghayan na rin ang pagmimilagro ng Araw sa iba pang Marian sites, gaya sa Lubbock, Texas noong 1989, at sa Colorado noong 1992.