ALBANY, Ga. (AP)— Mahigit apat na dekada na simula nang mangampanya si Jimmy Carter sa buong Georgia at hiniling sa mga botante na gawin siyang governor. Ang kanyang pagkapanalo ang naghanda ng entablado para sa kanyang pagkakahalal bilang pangulo noong 1976.

Katutuntong lamang ni Carter sa edad na 90, ngunit muli siyang sumabak sa kampanya noong Linggo para sa kanyang apong si Jason, isang Democratic state senator at abogado na hinahamon si Republican Governor Nathan Deal, sa dikit na karera sa Nobyembre 4.

Nagsalita ang dating pangulo at ang kanyang apo sa isang service sa Mt. Zion Baptist Church sa Albany, Georgia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho