Magha-hire ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang inspector at bibili ng mga surveillance equipment upang paigtingin ang kampanya nito laban sa mga sasakyang colorum.

Matapos maaprubahan ng Kongreso ang pondo para sa 2015, plano ng LTFRB na lumikha ng mga Inspection and Monitoring Unit (IMU) sa lahat ng regional office nito, ayon kay Chairman Winston Ginez.

Sinabi ni Ginez na tatanggap ang LTFRB ng karagdagang 145 inspector, at bibili ng mga video camera, digital camera at radio para sa pagiinspeksiyon ng ahensiya laban sa mga ilegal na namamasada.

Batay sa bagong ipinatutupad na Land Transportation Office-LTFRB joint administrative order 2014-01, ikinokonsiderang kolorum ang isang sasakyan kung pribado ito pero nag-o-operate bilang public utility vehicle (PUV) nang walang prangkisa; kung ito ay PUV na nag-o-operate nang iba sa mga awtorisadong mamasada (bus, jeep, van o taxi); kung ito ay PUV na namamasada sa hindi nito ruta; o kung ito ay PUV na patuloy na bumibiyahe kahit suspendido, kanselado o paso na ang prangkisa.

National

VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Sa ilalim ng nirebisang parusa sa mga paglabag sa batas ng trapiko at prangkisa, ang mga operator ng mga hindi rehistrado o kolorum na bus ay pagmumultahin ng P1 milyon. Ang mga unang beses na lumabag at nago-operate ng mga hindi lisensiyadong truck ay magmumulta ng P200,000; P200,000 sa mga colorum van; P120,000 sa mga pribadong kotse na namamasada; P50,000 sa mga jeep na walang prangkisa; at P6,000 sa motorsiklong nagsasakay ng pasahero. - Kris Bayos