GERMAN-Moreno2

PERSONAL kaming inimbitahan ni German “Kuya Germs” Moreno sa taping para sa first week ng month-long celebration ng kaarawan niya sa programa niyang Walang Tulugan With The Master Showman sa GMA-7.

Wala raw siyang alam sa mga mangyayari sa show niya nang gabing ‘yun, mga staff at ang GMA ang naghanda. Sinorpresa siya ng kanyang unico hijo na si Federico Moreno at apat na apo na sina Deorel, Franchesca, Gabby, at Raffy. Napaiyak si Kuya Germs, huh!

Birthday wish niya, patuloy pa rin siyang gamitin ng Diyos para maisagawa ang legacy niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Well, I’m still here. Wala akong pinapangarap kundi ma-maintain ko lang kung ano ‘yung ginagawa ko at makita ko pa rin, gagabayan ko pa rin ang anak ko, si Freddie at ‘yung apat na apo ko, at ‘yung itinuturing akong ama sa showbiz, at tinuturing ko na mga anak-anakan,” banggit ni Kuya Germs nang makausap namin.

Ano ang sekreto ng kalusugan at ng pananatili niya hanggang ngayon sa showbiz?

“Well, actually, nagpa-executive check-up, okey naman daw. Eh, ‘yun ngang prayers, eh. Dahil I believe, gaya ng sinabi ko kanina, na, ‘Gamitin Mo ang katawan ko para dito muna at binigyan Mo ako ng anak at apat na apo, at anak-anak sa showbiz, so gusto ko ‘yung katawan ko na nagagamit pa rin kung ano ‘yung nasimulan ko na legacy na binigay Mo, ganoon,” sagot niya.

Ang gusto niyang patuloy na matandaan ng mga tao sa kanya ay kung ano ang pagkakakilala sa kanya noon pa man bilang simpleng Kuya Germs.

Samantala, naitanong namin kay Kuya Germs kung magkakaroon ba ng pagbabago sa mga patakaran ng GMA Network ngayong pumasok na sa kanila bilang investor ang negosyanteng si Mr. Ramon Ang.

“Well, abangan na lang natin, ano, dahil hanggang hindi pa nangyayari, hindi pa natin puwedeng sabihin na ‘yun na pala, ganoon na pala, ‘no? So… pero suportado naman ng lahat ng taong nariyan, nobody, nothing will change. “

“Ako? Well, basta ako kung kailangan ninyo pa ako, of course, eh, ‘di nandiyan lang ako. Alam ninyo naman, maraming nagkainteres sa atin. And until now naman, eh, marami pa ring interesado na kunin ako,” sey pa niya.

May posibilidad bang lumipat siya ng network?

“Well, depende ‘yan sa itatakbo ng usapan. Kung kailangan pa ako, siyempre you have to continue kung ano ang nasimulan mo. Kung hindi naman, eh, ano ang magagawa natin?” sabing sabay kibit-balikat ni German Moreno.

May mga pinanghihinayangan pala siya sa pagpapatakbo ng Siyete, bagamat hindi naman niya maaaring sisihin ang management.

“Nanghinayang lang ako in the manner na I don’t blame the management kundi maybe there was a time na nagtaka ka kung bakit ‘yung nakitang nai-prove mo na, ginanoon. Na meron kang isang program na inalis.

“Kung ‘yung tao na ‘yun ay may utak, dapat bang alisin ang isang programa na nag-build ng maraming artista, pinasikat? Marami kang ginawa, ano? So, I don’t think in any networks ay gagawin ‘yun. Kaya nga ako pinag-iinteresan ng ibang network noon, eh, dahil nga sa nakita nila,” banggit pa ni Kuya Germs.