BAGHDAD (AFP) – Binitay ng Islamic State (IS) ang apat na babae, kabilang ang dalawang doktor at isang pulitiko, sa kinubkob nilang lugar sa hilagang Iraq, ayon sa mga kaanak ng mga pinaslang.
Pinatay noong Oktubre 8 ng mga jihadist sa Mosul ang tatlong babae, kabilang ang mga doktor na sina Maha Sabhan at Lamia Ismail at isang nagtapos ng abogasya, ayon kay Hanaa Edwar, aktibista at pinuno ng Al-Amal organization.
Setyembre 22 naman nang patayin ng grupo ang women’s rights activist na si Samira Saleh al-Nuaimi.