COTABATO CITY – May 1,500 guro sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang tatanggap ng P25-milyon pension refund mula sa Government Service Insurance System (GSIS) bago matapos ang taong ito, ayon sa education department ng rehiyon.

Sinabi ni Atty. Jamar Kulayan, regional education secretary, na ang nakatakdang refund ay bunga ng settlement ng ARMM Education Department sa mahigit P1 bilyon utang nito sa GSIS sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) at GSIS noong Hunyo ng taong ito.

Nagbayad ang DBM ng P891.4 milyon halaga ng hindi nabayarang premiums sa GSIS at nangakong magbabayad ng karagdagang P100 milyon sa loob ng isang taon simula nitong Hunyo, ayon sa pahayag ng ARMM information bureau.

Simula noon, ina-update na ng GSIS ang mga record ng may 26,000 guro sa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at sa mga lungsod ng Marawi at Lamitan, na bumubuo sa 24-anyos na ARMM, anang bureau.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Kulayan na karagdagang 6,000 guro sa mga pampublikong paaralan sa rehiyon ang tatanggap din ng refund kapag nakumpleto na ng GSIS ang record nito, na nagkakahalaga ng P200 milyon. - Ali G. Macabalang