Oktubre 12, 1810 nang isagawa ang unang Oktoberfest. Ikinasal si Crown Prince Ludwig (nakatakdang maging hari) kay Princess Teresa, at inimbitahan ang lahat ng taga-Munich upang saksihan ang royal event sa harapan ng city gate.
Nagkaroon ng karera ng kabayo sa pagtatapos ng seremonya, at dito nagsimula ang tradisyon ng Oktoberfest. Taong 1818 nang sinimulang ialok ang beer o serbesa.
Noong 1892, ang serbesa ay iniinok mula sa babasaging baso. Simula 1896, pawang malalaking bulwagan ang pinagdarausan ng Oktoberfest. Ipinagdiwang noong 1910 ang ika-100 taon ng event at namigay ng 120,000 litro ng serbesa, na nagtala ng bagong record.
Ang Oktoberfest ay isang taunang selebrasyon sa Munich, Germany na tumatagal ng 16 na araw. Ikinokonsidera ito bilang pinakamalaking selebrasyon sa mundo, na dinadaluhan ng hanggang anim na milyong katao. Ang ibang lungsod sa mundo, kabilang ang Maynila, ay nagdaraos ng sarili nitong bersiyon ng pagdiriwang.