Inakusahan ng mga complainant, karamihan ay magsasaka, ang mga miyembro ng pamilyang Aquino-Cojuangco ng attempted murder, arson, child abuse, physical injuries, illegal arrest at arbitrary detention, theft, robbery at malicious mischief.

Kabilang sa mga kinasuhan ang tiyuhin ni Pangulong Benigno S. Aquino III na si Jose “Peping” Cojuangco Jr., kapatid ng presidente na si Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz at iba pang board member ng Tarlac Development Corporation (TADECO), si dating Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres, si Tarlac Police Provincial Office director Senior Supt. Alex Sintin at dating Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan.

Ang reklamo ay pirmado ng mga magsasakang miyembro ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita, mga abogado mula sa Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA), National Union of People’s Lawyers (NUPL), Public Interest Law Center (PILC) at Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE).

Sa kanilang reklamo, sinabi ng mga magsasaka na ipinag-utos ng TADECO ang pagsira sa kanilang mga pananim, paggiba sa kanilang mga kubo at pananakit at ilegal na pagdakip sa mga magsasaka kahit pa noong Pasko ng nakaraang taon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Anila, ang pagsira sa kanilang mga pananim at pagsunog sa kanilang mga bahay ay nangyari noong Pebrero 8, kaarawan ni Pangulong Aquino.

“Dapat malaman ng publiko na mismong ang Presidential family ang nanggigipit sa mga kaawa-awang magsasaka sa kabila—o bilang ganti—sa ruling ng Korte Suprema na ipamahagi ang mga sakahan sa Hacienda Luisita. Dapat silang managot sa mga pang-aaping ito,” anang farmer-complainants.

Matatandaang Abril 24, 2012 nang ilabas ng kataas-taasang hukuman ang resolusyon nito na nagdedeklarang pinal at dapat nang ipatupad ang desisyon nito noong Nobyembre 22, 2011 na nag-uutos na ipamahagi na ang 4,915-ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlac sa 6,296 na magsasaka, na sisingilin batay sa pagtaya sa halaga ng lupa noong 1989. - Rey G. Panaligan