IMG_0899-550x398

SENDAI, Japan– Ginamit ni Manila West’s Terrence Romeo ang kanyang kaliwang kamay para sa kamikaze drive mula sa ibabaw ng arko upang tapusin ang dogfight sa Sao Paolo ng Brazil, 21-17, kahapon upang umusad sa knockout round ng FIBA 3x3 World Tour Finals sa Xebio Sports Arena sa Nagamachi.

Ipinagkaloob ng No. 10-ranked na Manila West, ikinasa ang virtual knockout game na mayroong anim na walang kasagutang puntos, sa No. 6 Brazilians ang kanilang ikalawang pagkatalo sa eliminations, kung saan ay naitakda ang pakikipagtagpo nila sa Pool B kasama ang No. 2 Bucharest ng Romania na nagkaroon ng magaan na oras laban sa Sao Paolo, 22-11.

Patuloy na naglalaban ang Manila West at Bucharest habang sinusulat ang balitang ito. Ang quartet ni Globalport’s Romeo, NLEX’s KG Canaleta at Aldrech Ramos at Meralco’s Rey Guevarra ay nakuwalipina sa world championship nang pamunuan ang Manila Masters leg habang ang Romanians ang tinanghal na kampeon sa Prague.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Susunod na makakaharap ng Manila West ang No. 3 na Kranj ng Slovenia na mula sa Pool C o No. 9 Jakarta, ang koponan na pinatalsik ng Filipinos sa napakatinding semifinal match noong nakaraang Agosto patungo sa pagbigo sa Doha ng Qatar sa Manila final.

Kinuha ng Jakarta ang puwesto ng Doha dito matapos na ang key Qatari players ay nagsipagtamo ng injuries sa katatapos na Incheon Asian Games sa South Korea.

Bagamat kinapos sa pag-eensayo bago ang event, umentra ang Manila West sa torneo na animo’y neophytes kontra sa mga naglalakihang at mas ekspiriyensadong European at American teams.

Ngunit laban sa mas matatangkad at malalaking Brazilians, runners-up sa Santos sa Rio de Janeiro Masters, ginamit ng Manila West ang bilis at outside shooting upang maitakda ang maagang pamamayagpag, kung sina Romeo at Ramos ang nagsagawa ng pag-atake laban sa kalaban. Hindi napag-iwanan ang Filipinos subalit kinakitaan ng ilang nerbiyos nang lumapit ang Sao Paolo sa 14-13 at 20-17.

Napako sa 20, naimintis ng Manila West ang tatlong sunod na attempts bago ginabayan ni Romeo ang kanyang teammates at nakipagsabayan ng nag-iisa kontra kay Sao Paolo counterpart Rodrigo del Arco, iniwanan ang Brazilian playmaker ng kalahating hakbang sa likuran at saka umikot sa kaliwa nang ang 45-anyos na si Joao Luciano ay nadulas.

“Baka kasi makadikit pa e,” saad ni Romeo sa kanyang naging desisyon na umatake para sa pinaka-importanteng basket para sa Manila West.

Tatlong magkakasunod na two-point baskets mula sa labas ng arko kina Ramos (2) at Romeo ang nagbigay sa Manila West sa 18-13 advantage. Ngunit humirit si forward Fabio Santos ng two-pointer at naisakatuparan ni Del Arco ang threepoint game bago si Romeo, bumaba ng 20 pounds ang timbang sa kasagsagan ng off-season upang mapalakas ang kanyang bilis.

Sa high-powered opening game, pinasadsad ng No. 7-ranked na Denver ang top seed na Novi Sad ng Serbia, 21- 18, mula sa two-point pagpapasabog ni Brendan Puckett. - Tito S. Talao