SA pagdalaw ni Vice President Jojo Binay sa Gen. Santos City at Sarangani kamakailan, sinalubong siya ni boxing champ Manny Pacquiao. Kaagad lumutang sa ere ang posibleng tambalang Binay-Pacquiao sa 2016 presidential elections. Ay! Hindi po ito boxing!

Kapag natuloy ito, ang tambalan ay posibleng tawaging Bin-Pac (Binay-Pacman) o Jo-Pac (Binay-Pacman). Gayunman, hindi pa raw uubra ang tambalang Jojo at Manny sapagkat kulang pa sa edad ang boksingero. Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal, dapat ay 40 anyos si Pacman para kuwalipikado sa pagka-VP. Siya ay 37 pa lang sa 2016.

Target si VP Binay ng katakut-takot (hindi sandamakmak) na paninira at tuligsa ng mga kritiko. Sapul daw noong 1988 nang hirangin siya ni Tita Cory na alkalde ng Makati City, nanatili siyang “Hari” ng lungsod. Hindi na raw naalis ang mga Binay sa “trono” hanggang ngayon. Sabi nga ng kaibigan ko, meron daw Makati Republic. Kabilang sa isinasaboy na putik ng paninira ay ang overpriced na Makati City Parking Building, at ang 350-hectare agricultural land sa Bgy. Maligaya, Rosario, Batangas na kinaroroonan ng piggery, orchard at cock farm na pag-aari raw ng isang korporasyon na ipinangalan sa mga dummy ni Binay.

Nahaharap si PNP Chief Director General Alan Purisima sa lifestyle check ng Office of the Ombudsman. Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na bukod kay Hepe Purisima, saklaw din ng lifestyle check ang kanyang ginang at mga anak. Santa Maria purisima, napupuno ka ng grasya. Sana ay lumabas ang katotohanan! Dahil sa suspension nina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla na may kombinasyong buwanang pondong P18 milyon kada buwan, ito ay hahawakan muna ng liderato ng Senado sa loob ng tatlong buwan habang sila ay suspendido.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Dapat ay pakinggan na ni PNoy ang boses ng kanyang mga boss. Ibinoto ko siya noong 2010, pero hindi ko na siya iboboto sa 2016 kapag tumakbo siyang muli, hindi dahil sa kanyang performance o kapalpakan, kundi dahil ipinagbabawal ito ng Constitution!