Nagpaabot ng pakikiramay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng limang Pinoy na nasawi at halos hindi na makilala sa tindi ng pagkakasunog dahil sa nangyaring car accident sa Qatar.

Inutos ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz kay OWWA Administrator Rebecca J. Calzado na bigyan ng full assistance ang pamilya ng mga nasawing Pinoy pagdating ng labi ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa inisyal na ulat ng OWWA sa Qatar, sakay ang anim na Pinoy sa sasakyan na sinalpok ng isang Toyota Land Cruiser na umano’y minamaneho ng isang 18-anyos na Qatari.

Agad na namatay sa sunog ang limang pasahero ng sasakyan na sina Marilou B. Cal, Joyce I. Geli, Bencris V. Rivera, Jocelyn T. Rivera at Arclian Zirc T. Rivera.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lumitaw na sina Jocelyn at Arclian ay asawa at anak ng OFW na si Bencris Rivera, isang inihinyero na nakabase sa Qatar.

Nakaligtas naman sa aksidente ang OFW na si Suseth V. Rivera, kapatid ng nasawing si Bencris, na iniulat na tumilapon sa labas ng kotse. Kasalukuyang nagpapagaling si Suseth sa Hamad Medical Hospital dahil bahagyang nasugatan sa ulo at likod.

Batay sa OWWA Membership Processing Center (MPC), pawang aktibong miyembro ng ahensiya sina Geli, Bencris at Suseth Rivera nang mangyari ang insidente.