Nagpatupad ng big-time oil price rollback ang kumpanyang Flying V ngayong Linggo ng madaling araw.

Epektibo 12:01 ng umaga nang magtapyas ang Flying V ng P1.40 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P1.55 sa diesel.

Nagtapyas din ang Flying V ng P1.60 sa kada litro ng biodiesel.

Sinabayan naman ng Petron ang rollback nang magtapyas ito ng P1.60 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P1.55 sa diesel at P1.20 sa gasolina.

National

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd

Unang inihayag ng ilang transport group na handa si lang ibalik sa P8 ang minimum na pasahe sa jeep na kasalukuyang nasa P8.50, kapag nagtuluy-tuloy ang bawas-presyo sa gasolina at diesel, na inaasahan naman ng mga pasahero na agad na maipatutupad.