Binuweltahan ng Malacañang ang mga kritiko ng gobyerno na nagsasabing pabagsak na ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno S. Aquino III.
Ito ay matapos lumabas ang Third Quarter 2014 Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing tumaas ang gross satisfaction rating ni Pangulong Aquino sa 59 poriyento habang bumaba naman nang 25 porsiyento ang dissatisfaction rating.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na tiyak daw na mahihirapan ang mga naghuhulang pabagsak na ang rating ni Pangulong Aquino na tanggapin ang resulta ng survey.
Ayon kay Valte, masasabi pa ring “historically high” ang rating ni Pangulong Aquino kumpara sa rating na nakuha ng ibang administrasyon.
Iginiit din ni Valte na normal lang naman ang pagtaas o pagbaba ng survey rating depende sa sitwasyong pulitikal sa panahong ginawa ang survey.
Ang nasabing resulta raw ng survey at mga pagkilala sa international community ay dahilan para lalo pang paigtingin ang trabaho sa pagpapaangat ng ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan.
“President Aquino’s ratings remain historically high compared to the same period of other administrations. Surveys are snapshots of a political landscape at a certain time and accordingly fluctuate. The more accurate measure of government performance is the number of people who are empowered to take advantage of new and better opportunities,” pahayag ni Valte.