RIO DE JANEIRO (AP)- Ang beaches at kagandahan ng Rio de Janeiro ang humahadlang kay LeBron James upang makumbinsing sumabak para sa ikatlong Olympic gold medal ng Amerika.
Namalagi si James ng ilang araw sa Rio upang paghandaan ang NBA preseason game ngayon kontra sa kanyang dating Miami Heat teammates, subalit sinabi nito kahapon na masyadong maaga pa upang magdesisyon tungkol sa Olympics.
''I'm undecided,'' paliwanag ni James sa club facilities ng Flamengo, ang pinakapopular soccer team ng Brazil, kung kapwa nagsasanay ang dalawang koponan. ''It's not until 2016. I got two years. I got a long time.''
Si James at dalawa pang Cavalier teammates, sina Kevin Love at Kyrie Irving, ay pinili sa national pool na gagamitin sa seleksiyon sa 2016 men's team para sa United States, napagwagian ang gold sa huling dalawang Olympics.
Sinabi ni Irving, pansamantalang magpapahinga sa kanilang laro ngayon sanhi ng sprained right ankle, na siya’y maglalaro sa kanyang unang Olympics kung mapipili.
''Obviously to be in the pool of guys is a great honor,'' pahayag nito.
Wala namang duda kay Love para muling sumabak sa Olympics matapos na mapasakamay ang gold may dalawang taon na ang nakalipas sa London.
''Playing for my country has done a lot of things for my career,'' pagmamalaki nito. ''It has afforded me a great opportunity to get better. Wearing the USA across the chest was a great way to feel patriotic. I hope that I have another chance in 2016 to be here.''
Napagtagumpayan nina Chris Bosh at Dwayne Wade ng Heat ang gold noong 2008, nawala na sa hanay ng pool subalit sinabi nila na panahon na ito para sa ibang manlalaro.
''I've done it and I want other guys to experience it,'' sinabi ni Bosh. ''Trying to chase that experience I had in '08 - I'm not going to be able to fulfill that. I was a younger guy and I was single and I had a lot more time.''
Klinaro naman ni Wade na ang pagsasanay at maglaro sa Olympic team matapos ang kabuuan ng NBA season ay trabaho na ng mga batang player.
''I did my time,'' saad nito. ''Obviously it's the younger guys' time to have the opportunity to win that gold medal.''