Ni SAMUEL MEDENILLA

Mula sa kanilang karaniwang tambayan sa mga gilid ng kalye ng Manila, ilang malikhaing fixer ang lumipat na ngayon sa social media upang makapambiktikma ng mga propesyonal at aplikante para sa ibat’ibang licensure examinations, sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC).

Naglabas ang PRC ng advisory noong Biyernes matapos makatanggap ng dumaraming ulat ng mga aplikante ng PRC na nabiktima ng mga tao na nagkukunwaring mga opisyal ng PRC sa social networking site na Facebook.

Sinabi ng mga complainant na ang mga ‘di umano’y opisyal ng PRC, na nagpakilalang sina Darly Diguidig at Shyller Ralph Hernandez, ay nagaalok ng garantisadong pagpasa sa board exams o para mapabilis ang renewal ng kanilang professional license kapalit ng bayad na mula P1,500 hanggang P2,500.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kapwa ang sinasabing mga empleyado ng PRC ay pinagbantaan ang mga biktima ng posibleng “penalties and surcharges” mula sa regulating body kapag hindi sila sumunod sa kahilingan ng mga ito.

Gayunman, nilinaw ng PRC na wala itong minamantine na anumang Facebook account at sina Diguidig at Hernandez ay hindi nila mga empleyado.

“Diguidig and Hernandez were confirmed to be non-PRC employees by the Commission’s Human Resource Division (HRD),” paglilinaw ng PRC.

Hinimok nito ang mga aplikante na iwasang mabiktima ng mga illegal scheme sa pamamagitan ng pagberepika kung sila ay nakikipagtransaksiyon sa isang awtorisadong tauhan ng PRC sa pamamagitan ng kanilang website.

“The public is advised to check from the directory of PRC officials posted in the PRC website www.prc.gov.ph,” pahayag ng PRC.

Pinaalalahanan din ng PRC ang kanyang mga kliyente na hilingin ang kanyang serbisyo sa pamamagitan lamang ng officials channels.

“Other than the PRC mobile services (PRC on-wheels) and the PRC I.D. Renewal Center at the malls, the Commission stressed that official transactions are done at all PRC Offices (Central, Regional and Satellite),” sabi ng PRC.

Panghuli, nananawagan din ang PRC sa publiko na tumulong sa kanyang anti-fixer campaign sa pag-ulat ng anumang mga katulad na “mapanlinlang na aktibidad” sa pamamagitan ng hotline nito sa 310-0026 o e-mail account sa [email protected].

“We ask the general public to help in this effort by reporting questionable transactions to the Commission,” sabi ng PRC.