Tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang nakaranas ng matinding trauma nang holdapin habang naglalako ng pandesal sa Caloocan City.

Sinabi ni DSWD Secretary Corazon Soliman na personal na pinuntahan ng grupo ng social worker ang nasabing bata sa bahay nito.

Isasailalim sa psycho-social debriefing ang bata at bibigyan din ng educational assistance.

Tiniyak din ng ahensiya na isasama nila sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pamilya ng bata kung hindi pa ito benepisyaryo ng programa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang bata ay sinamahan ng kanyang ina upang i-report sa barangay hall ang panghoholdap.

Kaugnay nito, umapela rin si Soliman sa mga barangay official na gumawa ng kaukulang hakbang upang maprotektahan ang mga bata.

Sinabi pa ng kalihim na iniimbestigahan na ng Caloocan City Police ang insidente hanggang sa tuluyang makilala at madakip ang suspek.