LONDON - Sisimulan na rin ng Britain ang screening ng mga biyahero mula sa mga lugar sa West Africa na tinamaan ng Ebola sa Heathrow at Gatwick airports at sa mga tren ng Eurostar mula sa Belgium at France.

“Enhanced screening will initially be implemented at London’s Heathrow and Gatwick airports and Eurostar terminals,” saad sa pahayag ng gobyerno noong Huwebes.

Ito ay kabibilangan ng pagsasaliksik sa travel history ng pasahero “as well as a possible medical assessment, conducted by trained medical personnel rather than border force staff.”

Inihayag kahapon ng World Health Organization (WHO) na may 4,033 nang kumpirmado o hinihinalang pagkamatay sa Ebola sa mundo. - AFP, AP
National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol