IDINARAOS ngayon ang World Hospice and Palliative Care Day (WHPCD) sa buong mundo. Layunin ng selebrasyon na palaganapin ang uri ng pangangalagang ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga oportunidad na isatinig ang mga isyu, palawakin ang pag-unawa ng mga pangangailangang medical, social, practical, spirital ng mga nagtataglay ng panghabambuhay na karamdaman; at mangalap ng pondo upang suportahan at paunlarin ang hospice at palliative care services sa buong mundo.

Sa temang “Who Cares? We do!”, ang WHPCD 2014 ay tungkol sa pasasalamat sa mga nagtalaga ng kanilang panahon sa interdisciplinary hospice and palliative care. Ayon sa daos, ang daigdig ay may mahigit 400,000 palliative care staff, o halos 1.2 milyong volunteer, at mahigit 9 milyong katao na kumikilos bilang family cares. Ang mga bilang na ito ay kumakatawan sa mahigit 10.5 milyong kataong sangkot sa paglalaan ng hospice and palliative care sa buong mundo.

Itinutuon din ng okasyon ang atensiyon ng publiko sa kasalukuyang mga isyu na kinakaharap ng larangang ito ng health care, kabilang ang kakapusan ng trained hospice and palliative care professionals sa international level’ ang abilidad na tugunan ang 10% ng international demand para sa palliative care’ ang mga paghamon sa propesyon sa international level tulad ng pagkakaroon ng training at professional development, ang kakulangan sa mga pamantayang internasyonal para sa volunteer training sa palliative care; at ang pangangailangang ikintal sa isip ang overarching theme na “Achieving universal access to palliative care: Who cares, we do!”

Ang pandaigdigang pagdaraos ay inoorganisa taun-taon ng Worldwide Palliative Care Alliance, isang network ng national at regional hospice and palliative care organizations. Mahigit 70 bansa ang nakikibahagi sa taunang selebrasyon na may mga aktibidad mula sa public awareness raising campaigns hanggang sa adbokasiya sa mga mambabatas at pangangalap ng pondo at mga paglulunsad sa publiko.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Maaaring may mga kamag-anak o kaibigan tayo na tumatanggap ng palliative care sa iba’t ibang situwasyon at mula sa iba’t ibang propesyonal. Tanggapin natin ang oportunidad na kaloob ng selebrasyon ng WHPCD upang pasalamatan sila sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga adbokasiya at mga kampanya uang mapaangat ang paghahatid ng hospice and palliative care services sa local, national, at international level. Ituon natin ang atensiyon ng ating mga lider sa maraming isyu, paghamon, at pangangailangan na kinakaharap ng hospice and palliative care sa ating panahon.