11julien-550x412

SENDAI, Japan- Sakay sa loob ng dimly-lit airconditioned bus patungo sa airport dito hanggang sa Route Inn Hotel may 10 kilo metro ang layo noong Huwebes ng gabi, kumanta ng malumanay si Meralco Bolts forward Rey Guevarra sa tema ng liriko ni Bob Marley classic.

"Don't worry about a thing ... cause every little thing gonna be all right."

Walang sinuman ang komontra sa saliw ng kanyang awit.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinailangan ni Guevarra, kasama na si Manila West teammates NLEX’s KG Canaleta at Aldrech Ramos at Globalport’s Terrence Romeo, ang lahat ng kumpiyansa na lalong magpapalakas sa kanila kahit pa ang Jamaican musician ay namayapa na nang ang PBA player ay nasa edad 2 pa.

Dalawang araw bago ang kanilang pagharap sa Sao Paolo ng Brazil at Bucharest ng Romania sa elimination round ng FIBA 3x3 World Tour Finals, kailangan nila ng kahit isang panalo para sa posibleng upuan sa knockout quarterfinals, malapitang nakita ni Guevarra ang naghihintay sa kanila sa kompetisyon, ang mga malahiganteng 6-foot-10 players mula sa Denver, ang wide-bodied hulks mula sa Santos ng Brazil at dalawang sleek-looking African-Americans mula sa Saskatoon ng Canada sa kapareho ding two-hour domestic flight mula sa Tokyo.

“Sa Manila, maliliit lang ang kalaban natin except for Doha (Qatar). Pero dito malalaki na lahat, puro champion pa,” saad ni Guevarra, mas maagang dumating kasama si Romeo at La Salle Greenhills coach John Flores. Sumunod naman sina Canaleta, na-trade ng Talk ‘N Text sa NLEX ilang araw lamang ang nakalipas, at Ramos kahapon kasama si Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Sonny Barrios.

Sadyang pinagmasdang mabuti sa dalawang NBA-type players mula sa US, sinabi ni Guevarra na, “Kunan natin ng picture, si Kevin Love at Tracy McGrady ata ‘yung mga iyon e.”

Dalawa sa mga manlalaro ng Doha na nagbalik mula sa Incheon Asian Games may ilang linggo na ang nakalipas na taglay ang injuries, ang pumuwersa sa Qataris upang umatras sa 3x3 Finals na nagbukas ng spot sa Jakarta ng Indonesia, tinalo ng team Manila West sa isang raucous semifinals, 18-14, sa FIBA Manila Masters leg noong nakaraang Agosto sa SM Megamall.

Sinorpresa ng Manila West ang Doha, 21-17, sa championship.

Ang Jakarta team na kinabibilangan nina Rizky Effendi, Vinton Nollan, Fandi Ramadhani at Wijaya Saputra, ayon sa FIBA.com, ay “no stranger to Japan,” napagwagian ang FIBA 3x3 World Tour Tokyo Masters noong nakaraang taon upang mapasakamay ang tiket sa FIBA 3x3 World Tour Final sa Istanbul.

Ang koponan ay tumapos na nasa ikaapat sa Manila Masters sa taon na ito at nabigyan ng awtomatikong replacement sa runnerup Doha makaraan ang third-place na Surabaya (INA) ay nag-declined sanhi ng unavailability ng players.

Kabado si Guevarra na bumigay hinggil sa kinokonsiderang height advantage laban sa ‘world’s best’ ngunit umaasa siya na may kahahantungan ang kanilang laban.

“Di lang naman puro laki lang ‘yan e. Kailangan naming magtulungan, magka-isa dapat ‘yung tatlong nasa loob, magkaintindihan,” pahayag nito. “Kailangan ay iniikot ang bola ng mabuti, teamwork at alam ng bawat isa ang ginagawa ng kasama niya.”

Makatatagpo ng Team Manila sa Pool B ang Brazil sa ganap na ala-1:10 ng hapon ngayon (Manila time) at pagkatapos ay magbabalik sa ganap na alas-2:55 ng hapon upang kaharapin ang Bucharest. Kung mapagwawagian ang dalawang laban, uusad ang Filipinos sa quarters kontra sa qualifier na mula sa Pool C kung saan ay magkakasama ang Kranj ng Slovenia, Jakarta at Wukesong ng China.

Pinasadsad ng Sao Paolo ang Santos, 21-12, sa Rio de Janeiro Masters Final habang nakipagsabayan ang Bucharest sa Novi Sad sa patas na termino bago nabigo, 16-14, sa Prague Masters title game.

Magkakasama sa Pool A ang Denver (USA), Santos (Brazil) at Novi Sad (Serbia), habang sa Pool D ay kinabibilangan ng Saskatoon (Canada), Trbovlje (Slovenia) at Kobe (Japan). - Tito S. Talao