Mariel-Robin_REGGEE-copy-550x515

ALIGAGA pala ang mga guwardiya sa TV5 tuwing may taping ang Talentadong Pinoy dahil sobrang haba ng pila ng mga taong gustong manood at makita nang personal si Robin Padilla.

Tsika ng guwardiya ng TV5 sa amin" "Parang 'yung show ni Willie Revillame dati, daming gustong manood kaya sobrang higpit po kami."

Kaya pala nu'ng may susunduin kami sa TV5, kinse minutos kami pinaghintay sa gate dahil kailangan daw munang hurningi ng pahintulot sa EP ng programa kung kilala kami at hurningi rin naman ng pasensiya ang mga guwardiya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sumilip kami sa taping ng Talentadong Pinoy na tapos na pala that time ang taping at nakakaloka, nahirapan kaming matsika si Robin. Andami-dami kasing nagpapa-picture sa kanya sa stage at pati production staff nakiki-picture rin.

"Naku, tuwing taping ganyan, kaya hindi kami makaalis kaagad kasi siyempre kailangan naming i-check lahat at hindi rin namin puwedeng iwan si Robin," sabi ng business unit head ng TP na si Mr. Anthony Pastorfide.

"Nakakatuwa kasi punung-puno lagi, kita mo naman, nasa gilid na 'yung iba, maraming hindi pa nakapasok, ang daming fans ni Robin," nakangiting kuwento ng bossing ng programa.

Nakapunta rin kami sa TP noong si Ryan Agoncillo pa ang host pero hindi naman ganito karami ang fans na dumarating sa set. Hindi rin inaabot ng isang oras ang piktyuran.

"Ah, kasi that time nagmamadali si Ryan, may lakad pa yata, but in fairness naman to Ryan, lahat naman pinagbibigyan niya, okay si Ryan," paliwanag ng TV executive.

Pinansin namin kung bakit pati production staff ay nagpapapicture kay Binoe, e, linggu-linggo naman nilang kasama?

"Oo nga, masaya sila, actually, masaya lahat, masaya ang show, kita mo naman, di ba? Pati audience kita mo, lahat tumatayo. Nakakatuwa si Robin, iba ang karisma sa tao," sabi ni Mr. Pastorfide.

Ikalawang season na ang Talentadong Pinoy na mapapanood ngayong gabi sa TV5, may season three pa ba?

Inginuso kami ng TV5 executive kay Robin dahil mukhang two seasons lang ang usapan nina Binoe at Ms. Wilma Galvante.

Mapapanood ngayong sabi sa Talentadong Pinoy ang palengke invasion episode, sa Farmer's Market naman sila naghanap ng contestants na magpapakita ng kakaibang talento kasama ang talent scouts na sina Eula Caballero, Jessa Zaragoza at Bayani Agbayani.

Saktong December 13 (Sabado) ang finals ng season 2 at busy na si Robin sa promo ng Bonifacio dahil ipapalabas ito sa December 25.

Samantala, si Mariel Rodriguez ay lilipad naman papuntang Amerika ng December 16 kasama ang lolo't lola para dalawin ang kanyang amang matagal nang naninirahan doon.

Hindi magkasama sina Robin at Mariel sa Pasko at Bagong Taon dahil Pebrero na babalik ang asawa ng aktor.

Okay lang naman kay Robin na hindi sila magkasama ng asawa dahil, "Panatag ang loob ko kasi kasama naman niya ang pamilya niya. Ako naman kasama ko mga anak ko dito. Saka busy month ang December," say ng action star.