NOONG 1999, isinabatas ng Kongreso ang Clean Air Act na nagbabawal sa pagsusunog ng basura kabilang ang bio-medical at hazardous wastes na nagbubuga ng nakalalasong singaw. Noong 2002, nilinaw ng Supreme Court (SC) na hindi lubos na ipinagbabawal ng Act ang pagsusunog bilang paraan ng waste disposal, yaon lamang nagdudulot ng nakalalasong singaw.

Dahil hindi nakatutugon ang mga incinerator ng bansa sa pamantayang itinakda ng batas, ang gabundok na mga basura ng mga lungsod at bayan ay napunta sa mga dumpsite at landfill. Ang Smokey Mountain sa Manila ang naging notorious bilang sentro ng polusyon sa lungsod hanggang isara ito noong 1993 sa pagpapatayo ng isang low-cost housing project sa ibabaw nito. Nagtayo rin ang Quezon City ng sarili nitong bundok ng basura sa payatas na gumuho noong 2000 kung saan 2018 ang namatay, 300 ang nawawala. Lumaganap ang mga landfill sa mga probinsiyang karatig ng Maynila, lumikha ng mga negosyo para sa mga lokal na pamahalaan ngunit kinondena naman ng mga residente.

Matagal nang suliranin ng basura para sa Metro Manila. Ang mga basurang hindi nabubulok tulad ng mga plastic, na ang karamihan ay mula sa pagkain at grocery bag, ang bumabara sa mga kanal at lagusan ng tubig kung kaya nagreresulta ito sa baha at trapiko tuwing umuulan. Ito ang nag-udyok kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isulong ang paggamit ng mga incinerator upang mawala na ang basurang nilikha ng mahigit 12 milyong populasyon ng Metro Manila.

Simula nang maipasa ang Clean Air Act, umunlad na ang paggamit ng mga incinerator sa buong mundo, Mula 1996 hanggang 2007, walang bagong incinerator ang itinayo sa Amerika, ngunit maraming bago ang itinayo nilong mga huling taon, na may recovery technology na nagpapahintulot sa muling paggamit ng ilang materyal at ng produksiyon ng elektrisidad. Noong 2008, nagbalangkas ang United Kingdom ng mga plano para sa 100 lugar na pagtitirikan ng mga bagong planta.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang mga makabagong incinerator ay may kakayahang pauntiin ang nakalalasong singaw na nililikha ng mga luma sa pamamagitan ng matataas na temperatura na dumudurog sa dioxin at furan emissions, na itinuturing nakapipinsala sa kalusugan. Kinokontrol rin nito ang paglaganap ng amoy mabaho. Ang malilinggit na bagay na maaaring lumipad sa nagin ay maaalis na ng mga filter. Higit pa, nakapagdudulot ng elektrisidad ang mga incinerator plant pati na ng biomass mula sa organic waste na nagiging renewable energy. Sa kabilang banda, nagdudulot ng methane at maraming carbon dioxide ang mga landfill na nakaaambag sa global warming.

Sa ngayon, maraming bansa sa Europe ang umaasa sa waste incineration, kabilang ang France, Germany, Luxembourg, at ang Netherlands. Matagal nang gumagamit ang Denmark at Sweden ng enerhiya na nagmumula sa incineration. Ang sistemang ito ng waste disposal ay popular sa Japan na wala namang masyadong pupuwestuhan ng mga landfill.

Masasabi na sa waste hierarchy, ang pinakamainam pa rin ay ang prevention, kasunod ang minimization, reuse, at recycling. Ang mga pagsisikap na ipalaganap ang mga pamamaraan na ito, lalo na sa reuse at recycling, ay kailangang magpatuloy. Ngunit sa kinakaharap nating dami ng basura na ating idinudulot at sa bagong teknolohiya, napapanahon na upang pag-aralan at isaalang-alang ang pagsusunog ng basura na iminumungkahi ni Chairman Tolentino.