Hinihintay na ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang abiso mula sa Embahada ng Pilipinas sa Hong Kong hinggil sa pagpapabalik sa bansa ng labi ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) na namatay nang magbagsakan ng cabinet sa Hong Kong.

Ayon sa ulat, ang 45 anyos na si Racquel Fortes Espinar, na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Hong Kong, ay residente ng Quezon City.

Natutulog umano si Espinar sa kanyang tinitirhang apartment sa Mau Yip Road, Tseung Kwan, nang mabagsakan ng filing cabinet dakong 6:45 ng umaga noong Oktubre 4.

Isinugod si Espinar sa isang ospital kung saan ito ideneklarang dead-on-arrival.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sinabi ni Maria Carmen Pamor, kamag-anak ng biktima, na ipinaalam na ng Philippine Consulate General sa pamilya Espinar ang sinapit ng OFW.

Bilang miyembro ng OWWA, makatatanggap ng death at burial benefit si Espinar na aabot sa P200,000. - Ariel Fernandez