Ni JC BELLO RUIZ

Bukas din ang isipan ni Vice President Jejomar C. Binay na maging running mate si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa 2016 elections.

Sa panayam sa Kidapawan City, sinabi ni Binay na nasa radar niya si Estrada na posibleng running mate nito sa susunod na halalan.

“Pinag-aaralan po silang lahat,” pahayag ng top contender sa 2016 presidential election base sa iba’t ibang survey. Kung magkakatotoo, ito ay nangangahulugan na magpapalitan ng papel sina Binay at Estrada matapos ang mga itong tumakbo bilang Estrada-Binay noong May 2010 elections nang tumakbo si Erap sa pampanguluhan at si VP Binay sa vice presidential race.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“Everyone is being considered. As long as they are in consonance with the values of governance of the Vice President: namely, housing for the poor, affordable healthcare, educational advancement, and creating job opportunities for all Filipinos,” pahayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, tapagsalita ni Binay.

Matapos matalo sa 2010 presidential derby, bumawi si Estrada nang tumakbo ito sa pagkaalkalde sa Manila noong 2013 kung saan ito nanalo laban kay dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Sa May 2016 elections, si Estrada ay 79 anyos na habang si Binay ay 73.

“It’s not a question of age but of capacity,” ayon kay Remulla.