Isasama na sa coverage ng PhilHealth ang mga may kapansanan.

Sa kanyang House Bill 5012, sinabi ni Quezon Rep. Angelina Tan na tungkulin ng Estado na protektahan at isulong ang karapatan sa kalusugan ng may kapansanan sa pamamagitan ng isang “integrated and comprehensive approach” upang mapagkalooban ang lahat ng persons with disability (PWD) ng serbisyong medikal at pangkalusugan na kanilang kailangan.

Binigyang diin niya na ang Republic Act 7277 o Magna Carta for Disabled Persons ay nagkakaloob para sa rehabilitasyon, self-development at self-reliance ng mga taong may kapansanan upang sila ay mabuhay nang normal.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente