MANSION ba o ordinaryong bahay lamang? ito ang katanungan na umuukilkil sa isipan ng publiko kaugnay ng kontrobersiyal na mansiyon daw ni PNP Director General alan Purisima sa Barangay Magpapalayok, San Leonardo, Nueva Ecija. Noong Lunes, pinayagan ni Purisima na masilip ng mga mamamahayag ang kanyang ari-arian sa Nueva Ecija, kabilang ang diumano ay “mansiyon” ,na pinagpipistahan at pinagdidiskitahan ng media at mga kritiko.

Sa naturang pagpapasilip ni Gen. Purisima sa kanyang 4.5 ektaryang ari-arian sa Bgy. Magpapalayok, hindi lang ang nagpunta at nag-usisa kundi maging ang mga kinatawan ng office of the ombudsman na may misyong mag-lifestle check sa heneral na kaibigan ni PNoy at naging miyembro ng PSG noong panahon ni Tita Cory.

Tinanong ako ng isang senior jogger kung ako raw ay kasama sa ocular inspection ng mga mamamahayag. tugon ko: “Hindi naman ako PNP reporter”. Dagdag ko pa: “Kung ako’y nakasama sa lakarang iyon, tiyak ang titingnan at hahanapin ko sa daan ay mga palayok na gawa ng bihasang kamay ng mga magpapalayok sa Bgy. Magpapalayok.”

Samantala, inirekomenda ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsibak sa serbisyo ng walong police officer na diumano ay sangkot sa Edsa “hulidap” case. Kinilala ng QCPD ang mga pulis na sina Chief inspector Josephde Vera, Sr. Inspector Aliver Villanueva, SPo1 Romel Hachero, SPo2s, Weavin Masa, Ebonn Decatoria, Mark de Paz, Jerome Datinguinoo, Jonathan Rodriguez.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Pakikiramay kay journalist Jun Francisco na matagal kong nakasama sa Defense beat noong araw dahil sa pagyao ng kanyang panganay na anak na si Hazel sa Jacksonville, Florida kamakailan.

Totoo kaya ang balitang lumabas sa Manila Bulletin noong Martes na lubhang nababahala ang Dept. of Education sanhi ng mga report na napasok na ng mga supporter ng ISIS (hindi pakiling) ang mga paaralan sa Mindanao upang mag-recruit ng mga kabataan at estudyante para makisimpatiya sa Islamic State of iraq and Syria? Sana ay hindi totoo ito DepEd Sec. Armin Luistro!