Hindi pa rin kumbinsido ang Palasyo sa panukalang ipatupad ang temporary maintenance shutdown ng Metro Rail Transit (MRT) 3 bunsod ng matinding epekto nito sa mga commuter.

Sa halip, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hihintayin muna ni Pangulong Aquino ang rekomendasyon ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya bago siya magdedesisyon sa isyu.

“We would rather wait for a formal recommendation from them so the President can take a look at it,” dagdag ni Valte.

Pinangangambahang mahigit sa 500,000 pasahero na sumasakay sa MRT ang maapektuhan sa kada araw na ititigil ang operasyon nito upang sumailalim sa maintenance routine.

National

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Nitong mga nakaraang linggo, halos araw-araw na nakaranas ng aberya sa operasyon ng MRT tulad ng hindi pagsasara ng pinto, nawalang komunikasyon, at naputol na riles.

Noong Agosto, lumagpas din ang isang MRT train sa EDSA-Taft Avenue station na nagresulta sa pagkasugat ng maraming pasahero. - Genalyn D. Kabiling