Dingdong-Dantes_REGGEE-copy

Ni WALDEN SADIRI M. BELEN

IBA ang paniniwala ni Dingdong Dantes tungkol sa stag parties.

Para sa kanya, maraming makabagong pamamaraan ng stag parties at hindi na 'yung nakagisnan o nakaugaliang tradisyon na may mga babaeng sumasayaw, lasingan, at iba pang makamundong pagpapakasaya bago matali nang tuluyan ang isang lalaki sa buhay may asawa.

National

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Pinuri tuloy ni Marian Rivera ang kasintahan na naging mabait noong nasa Germany siya kasama ang ilang pinsan at kaibigan para sa biglaang stag party. Noon pa nakaplano ang pagpunta niya sa Germany pero para iyon sa isang negosyo.

"Kahit saan naman mabait ako. Alam n' yo bago na ang traditions ng stag parties. Alam ko may mga bagong paraan na and it's to be with your friends and loved ones," kuwento ni Dingdong sa send off party ng GMA-7 para sa kanya noong Lunes ng gabi sa Cerchio restaurant.

Marami pa siyang inaasahang stag party mula sa kanyang mga kaibigan.

Bukod sa pagiging busy sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Marian, tinatapos ni Dingdong ang Kubat: The Aswang Chronicles na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

"Maraming araw pa pero 'buti na lang at mga fight scenes na lang ang mga tinatapos namin. Aaminin ko na kahit nasa shooting ako, nasa isip ko pa rin ang kasal namin," sabi ni Dingdong.

Bilang isa sa mga producer ng Kubat: The Aswang Chronicles, minabuti niyang huwag nang magsalita tungkol sa naging problema ng kanilang director na si Erik Matti at ni Lovi Poe. Nagpapasalamat na lang siya at matatapos na nila ang pelikula.

"Sa rami ng mga na-involve at mga nasabi at produktong mga nasabi, I'd rather not comment anymore," saad ni Dingdong.

Mula sa script nina Erik Matti at Michiko Yamamoto, kasama rin sa Kubat sina Ramon Bautista, Isabelle Daza, Jeron Teng at KC Montero.

Ikinatutuwa ni Dingdong ang magkakasunod na marriage proposals ng iba't ibang artista pagkatapos ng TV marriage proposal niya kay Marian.

"It's such a great thing. Love is in the air. Maganda na binigyang halaga ng mga tao ang sacrament of matrimony," pagtatapos niya.