LEGAZPI CITY - Sa pamamagitan ng epektibong disaster risk reduction management, ginawang sangkap ng Albay ang matinding mga paghamon ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon para sa kagalingan ng lalawigan, lalo na para sa 55,000 Albayanong inilikas ng pamahalaang panglalawigan sa 45 evacuation center sa dalawang lungsod at limang bayan nito, halos isang buwan na ngayon.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, lumabas sa ika-24 na pulong ng Team Albay cluster groups na uminam pa ang kagalingan ng kalusugan, edukasyon at seguridad ng evacuees kaysa noong nasa Mayon danger zones pa ang mga ito. Lahat ng 83 paaralang apektado ng emergency ay nakapagbukas na ng mga klase. Matiwasay din sa loob ng mga evacuation centers at ayon sa ulat ng Albay Police Provincial Office, wala ni isang krimen ang naitala simula nang buksan ito noong Setyembre 15. Higit na mababa ang pagkakasakit, pati na ang bilang ng mga namamatay kaugnay ng emergency, sa mga evacuation center ng Albay.

Natamo ang mga layunin nito sa pamamagitan ng Albay Health Emergency Clinics sa 45 evacuation camp, paggamit ng halos 1,000 silid kasama ang limang AECID Permanent Evacuation Center, 450 Emergency Management Trainings (EMT) na itinataguyod ng Albay sa nakaraang limang taon, at paghirang sa 300 nurse na may kasanayan sa EMT at pinasasahod ng P18,000 kada buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho