VATICAN CITY (Reuters)— Sinabi ng isang nangungunang cardinal ng Vatican noong Huwebes na hindi kailanman babasbasan ng Simbahang Katoliko ang gay marriage, hinarap ang kontrobersiya ng isyu sa Italy at iba pang mga bansa.

Noong Martes, inutusan ni Italian Interior Minister Angelino Alfano ang mga mayor na itigil ang pagkikilala sa validity ng gay marriage sa labas ng bansa, nagbunsod ng mga protesta ng rights groups at mga lokal na opisyal.

“We have to be honest,” sabi ni Cardinal Francesco Coccopalmerio, ang highest ranking expert sa batas ng Simbahan ng Vatican, noong Huwebes nang tanungin kung nakikita niyang darating ang araw na pagkakalooban ng Simbahan ng “some sort of blessing" ang gay couples.

“For us, and not just for us but for human culture in general, marriage is between a man and a woman,” aniya sa briefing ng synod, o assembly, ng may 200 Katolikong obispo na tumatalakay sa mga isyu ng pamilya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ng cardinal na ang Simbahan ay hindi hinuhusgahan ang mag-asawang homosexual, at itinuturing silang mga tao na may mabubuting kalooban.

“But to bless this type of union ... to say that they are like (heterosexual) marriages, never. This is simply for reasons of logic and identity. To bless them is not part of the way we see Christian doctrine,” aniya.

Nagpahayag si Pope Francis na dapat na maging mas maunawain ang Simbahan sa homosexuals, sinabi noong nakaraang taon na: “If a person is gay and seeks God and has good will, who am I to judge.”

Ngunit muli rin niyang pinanindigan ang mga itinuturo ng Simbahan na ang homosexual tendencies ay hindi kasalanan, kundi ang homosexual acts.

Ang mga partisipante sa synod ngayong linggo, isang preparatory session para sa mas malaking pagpupulong sa susunod na linggo, ay nagpahayag na ang Simbahan ay dapat na bawasan ang mapagkondenang lengguwahe kapag tinutukoy ang gay couples.

Ngunit gumuhit ng hangganan si Coccopalmerio. “There can be exquisite people in these conditions (of homosexuality) but that’s not the same as saying that this is a good union and should be blessed. That is something else.”