Magbabalik ang kompanya ng Lamoiyan Corporation, ang nagmamayari ng produktong Hapee Toothpaste sa amateur basketball.

Ang Hapee ang hahalili sa puwestong naiwan ng NLEX sa PBA Developmental League.

Sa pagpanhik ng Road Warriors, naiwan ang ilan sa kanilang mga player na siyang bubuo ngayon ng core ng Hapee sa darating na PBA D-League na kinabibilangan nina Garvo Lanete at San Beda players na sina Baser Amer, Arthur dela Cruz, Ola Adeogun at Ryusei Koga.

Makakasama nila para sa koponan na nakatakdang gabayan ni dating San Beda coach Ronnie Magsanoc sina UAAP standouts Arnold Van Opstal, Chris Newsome at Chris Javier, gayundin ang dating UAAP 2-time MVP na si Bobby Ray Parks.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Nakahanay din sa koponan ang kasalukuyang leading NCAA MVP candidate na si Scottie Earl Thompson ng University of Perpetual Help.

Bagamat sinasabing malaki ang tsansang maipagpatuloy ng Hapee ang naiwang "winning legacy" ng NLEX, sinabi ni Magsanoc na ayaw na muna nila itong isipin.

"Malayo pa kami doon. Halos hindi nga kami nakakapag-practice ng buo kami e. Kasi ongoing pa 'yung NCAA at UAAP," pahayag ni Magsanoc na nakatakdang tulungan sa bench ng kapwa niya dating Red Cubs na si Benjie Paras at Xavier Nunag.