Daniel-Matsunaga-copy

HEALTH buff ang Pinoy Big Brother All In winner si Daniel Matsunaga kaya napanood siya na kahit limitado ang maaaring gawin niya sa loob ng PBB house ay hindi nawala sa prayoridad ng Brazilian-

Japanese model-actor ang pangangalaga sa kanyang kalusugan.

“When I’m working a lot, I still ensure that I do push-ups kahit sa set na lang. Even in PBB, palaging pagod, puyat kami sa mga tasks. And even though, pagod, puyat, I exercise pa rin,” kuwento ni Daniel.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kaya favorite choice si Daniel para maging newest brand ambassador ng San Marino Tuna Flakes.

Tuwang-tuwa si Daniel nang malaman niya na siya ang napili to promote San Marino products.

Bukod kasi sa laging kasama ang San Marino products sa healthy food choices niya, malaking bagay para kay Daniel na pinaniniwalaan niya ang produktong iniendorso niya.

“I have always been a regular patron of San Marino Corned Tuna. Now, I am happy that San Marino already has San Marino Tuna Flakes,” says Daniel.

Bukod sa masarap, gusto ni Daniel ang protein content ng San Marino Tuna Flakes na kailangan niya para sa pagmi-maintain ng kanyang hunk body.

“After I workout, I eat tuna. Our body needs protein… protein talaga.”

“I always bring a can of tuna to help on my daily protein requirements. How much our body needs depends on our weight. As for me, I weigh 85 kilos… so I need mga 165 grams of protein per day. San Marino Tuna Flakes helps me meet my daily protein needs,” says Daniel.

“It’s important for me to be healthy and fit. Kasi sa totoo lang, 30% comes from physical activities and 70% comes from the food we eat. Tuna helps a lot. You need protein to maintain or gain muscles. And muscles are made of protein,” dagdag pa ng health-conscious celebrity.

Sa bagong commercial ng San Marino Tuna Tuna Flakes, mapapanood si Daniel sa iba’t ibang extreme outdoor activities na hilig talaga niya kaya nag-enjoy siya sa shoot ng commercial.

“Yes, I’m very much into sports. I play a lot of football. Every day we have training. I do workout two to three hours a day. Kapag may time, wakeboarding at iba-iba pang outdoor sports. Hindi kasi p’wedeng sa loob lang ng gym. I do a lot of challenging exercises.”

Mahalaga para sa kanya ang regular exercise.

“You have to make time. Gusto kong maging fit. Gusto kong maging healthy. It’s part of my active lifestyle. I always look forward to what’s new and what’s next. Talagang need maging fit. For my friends and I, there’s so much to do and conquer.

“Being young, I feel there’s so much ahead – adventures, opportunities, and challenges. I’m living the moment now but excited ako for what’s ahead,” dagdag pa niya.

Naging paborito ng televiewers habang nasa loob ng PBB house si Daniel na bagamat walang dugong Pilipino ay naging magandang ehemplo sa mga Pinoy.

“’Yung totoong Daniel kasi, 119 days sa loob ng bahay,” kuwento niya. “There’s no way you can fake such a thing. Talagang you’re living there. Sometimes, you don’t even get to pansin the camera kasi parang sanay na sa camera. Every corner may camera. Every corner may mirror.

“Talagang hindi namin alam kung may camera sa loob o wala or which will be shown in public. And when I left PBB house, the more I realized how I should value my time. My time for family and how I should value my health.”

Sa San Marino Tuna Flakes campaign, mas lalo pang makikilala si Daniel.

“What’s new? Definitely, it’s my new TVC and I’m very proud to represent the new San Marino Tuna Flakes,” aniya. “What’s next? I want to improve myself in everything I do especially with all my projects. I want to discover more and learn more.”

Launching ng kanyang San Marino Tuna Flakes campaign na “What’s New, What’s Next?” sa Mercato Tent, Bonifacio Global City sa October 11, 10:00 a.m. – 3:00 p.m.

Maaaring subukan ang iba’t ibang activities kagaya ng trapezing, wall climbing, and rapelling kasama si Daniel at iba pang celebrity guests. Magkakaroon din ng chance na manalo ng raffle items kagaya ng GoPro, Garmin watches, San Marino Tuna Flakes gift packs at adventure items.

Bukas ang event para sa lahat. Magsuot ng sports attire.