VERY slim na Yasmien Kurdi nang dumalo sa grand press launch ng bago nilang afternoon prime drama series na Yagit. Rhodora X with Jennylyn Mercado ang huling drama series na ginawa niya at masaya siya na may kasunod agad siyang project.
“Napakalaki pong privilege ang ibinigay sa akin ngayon ng GMA,” sabi ni Yasmien. “Hindi po ako nag-expect na masusundan agad ang huli kong soap, dahil bago ang Rhodora X, nakasama rin ako sa AnnaKareNina na nagsilbing first project ko nang bumalik ako sa GMA after kong isilang ang daughter ko. Ngayon, lead role ang ibinigay nila sa akin, gagampanan ko ang role ni Dolores, ina ni Eliza (Chlaui Malayao) at katambal ko si James Blanco as Victor Guison at magkakaroon din ako ng kaugnayan sa iba pang kaibigan ni Eliza, sina Jocelyn, Tom Tom at Ding. For my role, dati akong club dancer, nag-aral din akong sumayaw, at doon ko nakilala si Victor.”
Pressured ba siya na ang role ni Dolores ay unang ginampanan sa pelikula ni Ms. Charo Santos-Concio, mahusay na actress at ngayon ay presidente ng ABS-CBN?
“Siyempre po ay nakakakaba dahil baka ikumpara ng mga manonood sa acting ni Ms. Charo. Pero paghuhusayan ko ang acting ko para po naman hindi ako mapahiya sa mga manonood. Sana po ay panoorin nila ang aming version naman ng Yagit, simula na po sa Lunes, October 13, pagkatapos ng The Half Sisters.”
Bukod sa Yagit, kasama rin si Yasmien sa mga regional audition ng Starstruck VI. Totoo bang masyado siyang mabait sa mga sumasali sa audition?
“Naaawa po kasi ako sa mga sumasali, siguro po dahil napagdaanan ko ang pinagdadaanan nila. Alam ko ang feeling ng pinagsusungitan habang tinatanong sila. Kasi tulad namin noon, alam kong nagsisikap silang mapagbuti ang kanilang mga sagot at performances, kaya binibigyan ko sila ng lakas ng loob.”
Sa January na magsisimula ang Starstruck VI.
Excited si Yasmien sa pagsapit ng Pasko dahil pupunta sila sa daddy niya na nasa Bahrain ngayon, first time nitong makikita ang husband niyang si Rey Soldevilla, Jr. at ang first child nila na si Ayesha.
“Si Daddy ang may gustong makita at makilala na ang husband at anak ko kaya excited kaming mag-asawa pero mas excited kami for Ayesha dahil makikita na rin siya ng lolo niya. Nagbigay na po ako ng notice kay Direk Gina (Alajar) at sa production staff para po makapag-advance taping ako ng Yagit, para walang problema habang wala ako at nasa Bahrain kami.”