Halos pukpukin mo na ang iyong ulo sa paghahanap ng inspirasyon ngunit walang dumarating. May kung anong humahadlang sa isip mo kung kaya ayaw dumaloy ang iyong creative juices. Mangangailangan ka ng tulong upang maalis ang hadlang sa iyong pagkakaroon ng magagandang ideya. Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa ating paksa tungkol sa kung ano ang maaari mong gawin kapag wala ka nang magagandang ideya.

  • Mag-walk out ka muna. - Minsan, ang pinakamainam na gawin laban sa kakapusan ng ideya ay ang iwan mo pansamantala ang iyong ginagawa. Hindi makatutulong ang pakatitigan ang problema at malamang na palalain oa nito ang situwasyon. Kaya literal na mag-walk out na muna. Ipahinga ang iyong isip sa pammasyal mo sa labas. I-enjoy mo ang iyong mga nakikita at mapapansin mo rin na nagkakaroon ka na ng ibayong lakas ng isip kung kaya bumabalik na ang iyong pagiging pagkamalikhain. Babalik ka sa iyong ginagawa na taglay ang mga sariwang ideya.
  • National

    Rep. Romualdez, ibinahagi 'aral ng paglilingkod at pagmamahal' para sa Huwebes Santo

  • Tumuklas ng karunungan. - Isa sa mga pinakamainam na magagawa mo upang manatili ang iyong pagkamalikhain ay ang pakanin mo ng makabuluhang impormasyon ang iyong utak. Magbasa ng mga kapaki-pakinabang na aklat, makinig sa magaan at nakare-relax na musika, mamasyal sa hardin at doon maupo at pakinggan ang mga ibon o trapiko o mag-solve ng crossword puzzle. Bigyan mo ng bagong uri ng pampagana ang iyong utak. Maaari ka ring magsaliksik sa Internet tungkol sa iyong ginagawa at malamang na magdulot iyon ng bagong inspirasyon.
  • Alamin ang ginagawa ng iyong kapitbahay. - Minsan, ito ay kasing simple lang ng pagtuklas sa ginagawa ng iyong mga kalaban sa proyekto o negosyo. Kung masyado kang mabagal, maglaan ng panahon upang alamin kung bakit nagtatagumpay ang iba. Paano nila nagawa iyon? Ano ang kanilang sikreto? Bakit sina nakakukumpleto agad? Anu-ano ang puna nila sa aking gawa? Ilan lamang ito sa.maaari mong itanong tungkol sa mga issue upang malaman mo kung anu-ano na ang nangyayari sa iyong industriya at doon ka makakukuha ng ideya para sa iyong ginagawa.

Sundan bukas.