HANOI, Vietnam (AP)— Isang Vietnamese oil tanker na isang linggo nang nawawala ang pinakawalan ng mga pirata, sinabi ng isang crew member noong Huwebes.

Ayon sa deputy captain ng Sunrise 689 na si Pham Van Hoang, isang grupo ng mahigit 10 kalalakihan, na sa palagay niya ay mga Indonesian, armado ng mga baril at patalim sakay ng dalawang speedboat ang umakyat sa barko ilang sandali matapos itong umalis sa Singapore patungong Vietnam noong Oktubre 2.

Sinabi niyang sinira ng mga pirata ang communication and navigation systems, at inilagay ang lahat ng 18 Vietnamese crew members sa isang silid. Kasunod nito ay hinigop ng mga pirata ang gas oil ng barko patungo sa kanilang mga bangka.

“They put knives on our throats and threatened to kill us if we resist,” ani Hoang sa cellphone mula sa tanker. Isang crew member ang nabalian sa tangkang matakasan ang mga pirata.

National

Palasyo, may nilinaw sa 'reconciliation' remark ni PBBM: 'Wag lamang mag-focus sa mga Duterte'

Sinabi ni Hoang na ang crew ay pinakawalan noong Huwebes at ang tanker ay halos 150 kilometro ang layo mula sa dulong timog ng Vietnam.