USO na talaga ang pagkuha sa Wattpad ng istorya o idea na ipapalabas sa pelikula at telebisyon tulad nitong My App Boyfie ng ABS-CBN at Poser at Cinderella Story ng TV5.

 

May dahilan si TV5 Entertainment Head Wilma Galvante kung bakit sila kumukuha ng istorya sa Wattpadd, para may sure viewers na.

 

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

“Kasi bago kami bumili ng story kailangan may five million views ka na, ganu’n na ang uso ngayon, eh. Para sure kang may manonood, dapat ganun’n karami ang views o hits mo,” paliwanag sa amin ni Ms. Wilma.

 

Natawa nga kami nang magsabi si Katotong Mercy Lejarde na kunin din ng TV5 ang istorya niya at nang tanungin ni Ms. Wilma kung nakailang views na ito, ang sagot naman ng beteranang reporter ay, “Wala pa nga.”

 

“Eh, kailangan may views ka na,” sabi ng TV5 exec. “O, sige para sa ‘yo, two million na lang instead of five million views, bibilhin na namin.”

 

Ito na raw kasi ang trend ngayon, kung ano ang hit sa social media ay iyon na ang gagawin ng mga network. Tama naman at perfect example ang Ang Diary Ng Panget na nag-hit talaga.

 

“Mahirap kasing gumawa ngayon ng soap ‘tapos hindi ka sure kung papanoorin ng tao kasi hindi sila pamilyar, so might as well sumunod ka na lang sa uso.  At the end of the day, this is business, Reggee,” maliwanag na sabi ni Ms. Wilma.

 

Sa katunayan, 12 istorya pala ang nabili nila galing sa Wattpad na hinati nila sa tig-apat na istorya, bale apat na episode sa isang buwan na araw-araw na napapanood sa TV5. Sa susunod na linggo, launching na ng kanilang 5-8 episodes.