Oktubre 10, 1780, nanalasa ang isa sa pinakamapinsalang bagyo sa kapuluan ng West Indies sa Caribbean, iniwang patay ang 20,000 katao. Ito ay tinawag na “The Great Hurricane of 1780.”
Sa Sta. Lucia, dalawang bahay lamang ang naiwang nakatayo. Sa ilang lokasyon, nahubaran ng balat pati ang mga punongkahoy.
Walo sa 12 barkong pandigmang British na pinamumunuan ni Admiral George Radney ang lumubog sa St. Lucia harbor, na ikinamatay ng daan-daang manlalayag. Isinulat ni Radney na kahit ang pinakamatibay na gusali at mga bahay na bato ay hindi tumayo sa bagyo. “More than 6,000 persons perished, and all the inhabitants are entirely ruined,” pagdedetalye niya sa kanyang nasaksihan.
Sa Martinique, halos 9,000 katao ang namatay, habang sa Barbados, 4,000 ang namatay. Ang French ay nalagasan ng 40 barko at 4,000 sundalo.
Ang Hurricane Mitch, na naganap noong 1998 at pumatay ng halos 18,000 katao, ang pinakamalapit sa dami ng mga namatay.