Pambansang Araw ngayon ng Republic of China (ROC) na kilala bilang Taiwan mula pa noong dekada 70, at ginugunita nito ang pagsisimula ng Wuchang Uprising noong Oktubre 10, 1911. Nagbunsod ito sa pagtatapos ng Qing Dynasty sa China at ang pagkakatatag ng ROC noong Enero 1, 1912. Sa pagtatapos ng World War II noong 1945 at ng Chinese Civil War noong 1949, muling nakamtan ng pamahalaan ng ROC ang kontrol ng Taiwan at nagtatag ng Taipei bilang kapital nito ngunit nawala ang kontrol nito sa mainland China.

Nagsisimula ang selebrasyon sa pagtataas ng bandila sa harap ng Presidential Building. Susundan ito ng pag-awit ng publiko ng kanilang pambansang awit. Ang iba pang tampok sa selebrasyon ay ang parada ng militar, musical presentation, traditional performances, at ang presidential address. May selebrasyon din na idinaraos sa ibayong dagat, partikular na sa mga Chinatown ng San Francisco at Chicago. Sa mainland China, ipinagdiriwang ngayon ang anibersaryo ng Xinhai revolution/Wuchang Uprising.

Magiliw ang ugnayan ng Pilipinas at Taiwan. Pumalo sa $12 bilyon noong 2013 ang kalakalan ng dalawang bansa. Ang Taiwan ang ikaanim na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas samantalang ang Pilipinas ang ika-11 mahalagang trading partner ng Taiwan noong 2013. Ang Taiwan din ang ikasampung pinakamalaking foreign investor sa Pilipinas noong 2013. Sa taon ding iyon, ikapito ang Taiwan sa top destinations ng mga Overseas Filipino Worker (OFW). Para sa 2014, mahigit 100,000 manggagawang Pilipino at migrante sa Taiwan.

Sen. Imee sa muling pagkabuhay ni Kristo: 'Simbolo ng bagong simula'

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Taiwan sa pangunguna ng kanilang mga leader na sina Ma Ying-jeou at Jiang Yi-huah, sa okasyon ng kanilang “Double Ten” anniversary celebration.