NEW YORK (AP) — Natuklasan ng mga dalubhasa ang posibilidad na may epekto ang kape sa Deoxyribonucleic acid (DNA) ng isang indibidbwal.
Ayon kay Marilyn Cornelis ng Harvard School of Public Health, maaari itong magkaroon ng malaking epekto sa kalusugan.
Dahil dito, nagsagawa ng masusing pag-aaral ang mga dalubhasa na binuo ng 120,000 partisipante na isa-isang tinanong kung ilang tasang kape ang iniinom kada araw.
Kaugnay nito, ayon kay Marian Neuhouser, isang nutrition researcher ng Fred Hutchinson Cancer Research Center sa Seattle, ang pagsusuring ito ay makatutulong sa mga doktor upang malaman kung sino sa kanyang mga pasyente ang nangagailangan ng tulong upang makaiwas sa pag-inom ng kape. Katulad ng mga buntis na maaaring mahirapan sa panganganak.