Ganap nang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) si retired Supreme Court (SC) Justice Angelina Sandoval-Gutierrez na apat na taong manunungkulan.

Nanumpa si Gutierrez sa harap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumatayong Ex-Officio Chair ng JBC, ang tanggapan na sumasala sa mga nominado para sa mga bakanteng pwesto sa hudikatura, noong Miyerkules. Dumalo sa nasabing seremonya sina Associate Justices Teresita Leonardo de Castro at Estela Perlas Bernabe.

Inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga ni Pangulong Aquino kay Gutierrez bilang myembro ng JBC kapalit ni Retired SC Justice Regino Hermosisima.
Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya